MGA MUOG NG URI
ni Amado V. Hernandez
I
Ang iilan ay nagtatag
ng isang pamahalaang pinairal na panlahat:
bumabalangkas ng panuto, naglagay ng mga puno,
naglagda ng
mga batas
at lumikha ng sambuntong kasangkapang mabibisa
upang ang
kapangyarihan ay tahasang ipatupad;
ang saligan at batayan,
ang timbangan at panukat, ang halaga at takalan,
inihanda at binuo, alinsunod sa pinaling
kaisipan at
pananaw,
nagmula man o patungo kahit saan ay hahantong
sa kung
ano, saa't alin ibig nilang dalhin ikaw.
II
Kung bagaman bukambibig
na ang lantay na tuntuni't patakara'y ang matuwid
- pagkakapantay ng lahat sa lahat ng bagay-bagay
sa samahang
pangkapatid -
sa tunay na karanasa'y patumbalik kung maganap
at sa
matang mapansinin ay baligtad ang daigdig
ang lipunang maharlika
na siya ring kakaunting namayani sa simula,
nagkamal ng
karapatan sa tibay ng mga muog,
at naglagda ng tadhana:
"Diyan kayo't dito kami" - utos-haring nababansag
ng
tandisang pagkahati at ng mga uring takda.
III
At sa lunsod itinayo
ang gusali ng talinong maningas ang gintong sulo:
ang sinumang may adhikang mapatampok na mautak,
magdaan sa
kanyang pinto,
ngunit walang magdaraan kundi muna nasusulit
na ang ulo
ay hungkag nga't ang kalupi ay maginto;
bawat isip at paningin
papandaying sapilitan sa kanilang simulain;
bawat pusong walang apoy, sa palalong katapangan
ay
susubha't papandayin
bawat katauhang kutad, sa sugapa ng kamanyang
ay gagawing
di masabi kung bayani o salarin.
IV
Nagtindig ng dalanginan,
isang templong diumano'y nakaukol sa Maykapal,
at nilagyan ng imahen na ang mukha ay babae
at sa leon ang
katawan,
ang sa kanya'y di sumamba't maghugos ng mga alay
ay malayong
makarating sa bayan ng mga banal;
tao'y ganap na
tinakot,
iginising na sa
lupa'y walang langit, pawang kurus;
at ang taong
nangangarap sa hiwagang kaligtasan,
sa hiwaga napabuklod,
naglimos ng
yama't lupa sa Maykapal ng daigdig,
binili ng ginto't dasal pati
buhay na susunod.
V
Upang lubos na
maghari,
di sukat ang pananalig, ang alamat at ugali,
nagtayo rin ng hukuman, at hukom na walang puso't
pawang utak
ang pinili,
sa usapi'y katauhan ng may usap ang lagi nang
batayan ng
pasya't hatol: katarungang makauri;
mga batas ang nagbadya:
ang maysala'y lalapatan ng katapat na parusa;
a, kamay ng katarungang kabilanin: isang lambat
ng
matandang inhustisya.
aligasi'y laging huli at kawala ang apahap;
ang
katwira'y sa kalansing ng salapi nakukuha!
VI
Bilang putong na paniil
ng tuntuning pamarusa't batas na ngipin sa ngipin,
bilangguan ay sumipot - isang dambuhalang yungib
na malupit
at malagim,
libingan ng mga buhay na pamuti sa biktimang
kalusuga't katinuan, salarin man o matupling;
ang higanti, sumpa't poot
ng sosyedad ay sa kanyang kalupitan itinampok;
madalas na inuusig kahit walang-walang sala
ni sa tao ni sa Diyos
bilanggua'y isang kutang parusahan at bitayan
ng gumawak
sa karimlan at naggiba sa bantayog.
VII
Kaya naman kung sumapit
ang araw ng pagtutuos at kalusin na ang labis,
kung ang madlang sinisiil ay mamulat
at
bumangon, ang iila'y napapalis,
at ang mga lumang muog ng gahamang karapata'y
siyang
unang winawasak ng bayanang naghimagsik;
sa abo ng iginuho
na ubaning diwa't buhay ay may bagong itatayo:
bagong templo, bagong muog, ang watawat at tambuli
ng makulay
na pangako,
at ang bayan ay minsan pang lalasingin sa matimyas
na
pag-asa't pananalig ng kanilang bagong puno.
Muntinglupa
Mayo ng 1952
Walang komento:
Mag-post ng isang Komento